in POEMS

Lotto Booth

at

Pila dito, pila doon
Walang pakialam sa mga taong nakikita
Mas mahalaga ang makarating sa may bintana

Numero.. anim
Tinta ng bolpen ay tumatak

Kapirasong papel ay pag-asa
Nakasalalay ang kinabukasan
Numero’y inalagaan

Pagod, pawis..
Sakit ng binti’y di alintana
Makaahon sa kahirapan ang nasa isip twina

Sige pa..
Unti-unti’y lumalapit
Karangyaan ay sasapit
Pagkalam ng sikmura ay mawala
Bitbit ang mga anak, tangan ay ang bolpen

Sa paglubog ng araw
Lotto booth ay nakasagupa
Pag-asa ang kasama..

in POEMS

Jeepney

at

Paulit-ulit na “woooo woooo” ang tinig ng dyipni
Isa, dalawa, tatlo, apat na kolehiyo
Isa, dalawa. Dalawang di unipormado
Pito kaming pasahero, isama pa ang drayber ay walo.

Tubig ulan ay patuloy na bumabagsak,
Pasahero’y isa-isang umaakyat
Umiindak sa tugtuging di mawari
Yumuyugyog sa lubak ng kalsadang
Karamay sa buhay.
Pumipikit sa bawat gewang ng dyipning sinasakyan
Sumisimangot sa nakikitang kahirapan.

Stoplight.
Pula, berde at kahel.
Sasakyan sa pula ay huminto
Patutunguhan sandali’y inapula ang pagtungo
Pagbuhos ng ulan ay tumila
Haring araw ay bumulaga
Iba’t-ibang uri ng sasakyan
Kasabay ni “RA” ay rumagasa

Huminto-diling nag-aanimong tupa
Minsan pa’y sinilip ang mga kasama
Iba’t-ibang mukha ng buhay, eksperyensya
Maitim, maputi, maganda at panget
Di mawaring pwedeng magsama.

Nakangiti, nakanguso, lukot ang mga mukha
Mayaman, mahirap, katayuan sa buhay ay iba.

Anupaman ang nais ipabatid
Sagot sa katanungan ay nais mawari,
Buhay, patutunguhan ay saan ba?

in POEMS

Out of Place

at

In the midst of the banging crowd

I remained silent…

In the presence of the misty cries

I remained silent…

things aren’t things anymore

little by little, my heart leaps for joy

step by step, i’m joining the unholy ground

time now is immemorial

feelings of anxiety and unbelongingness

vague army of desperation

nebulous clan of depression

invisible… unreachable…

unbearable…

reaching the loop of death

extending the arm to the top of the mountain

creating a society of foolishness

forging the scent of the highest heaven…

in POEMS

Sa dako pa roon

at

Lumipad ka!
Patungo sa dako pa roon

Sa dakong nakatunghay ay isang hambog!

Lumipad sa rurok ng walang katumbas na ligaya

Sa lawak ng karangyaang dulot ay dusa.

Lumipad ka sa gitna ng mga bundok

            Hatid ay pangamba..

Sa hanging ang direksyon ay di Makita

Sa ilalim ng dagat na ang hatid ay masamang alaala

Sa dako pa roon, pag-asa’y lumisan na.

Lipad! Oo, lipad!

Sa kalangitang hatid ay pag-asa

Sa asul na ulap, sumakay ka.

Pangamba’y isama sa ulan

Ipaimbuyo sa lakas ng hangin

Ipatunaw kay Haring Araw!

Sa dako pa roon mamili ka,

  Ilog ng karangyaang puro dusa 

O ang Bato na siyang sandigan

   Sa bagyong hatid ay problema?

Sa tamang direksyon

    Sa dako pa roon…

  Lumipad ka!

in POEMS

Malevolence

at

From the depths of silence

..there is war.

From the depths of happiness

.. someone’s crying out loud

From the depths of humility

.. there is vanity 

From the depths of eternity

 .. there is death.

Bewildered in the vagueness of me

Blaming the boast of vanity

Journeying through the madness of earth

Belittling the self for unclaimed holy wealth.

Crowning the glory of the lowest realm

Feeding the soul of excommunicated angel

Living with the generosity of the most ungenerous

Died in the serenity of the most wicked creature…

178910